---- CHAPTER 79 HANDA na ang lahat sa isang pagtitipon sa munting salo-salo para sa pamilya Paraiso. Pero hindi akalain ni Trina na ganito ang siyang gagawing paghahanda ng mag-anak, napakaraming pagkain sa hapag-kainan. Halos lahat sinadya pang ipaluto kay Nana Trining. "May bisita ba kayo?" hindi mapigilang itanong ni Trina kay Kidlat. Kasalukuyang nasa lanai silang dalawa, pinagsasaluhan ang dalawang tasang kapeng barako na gawa ni Manong Berting. "Hindi ko alam kay Lolo, pero siguro tayo-tayo lang din, bakit?" tugon nito sa kaniya. Muling ibinalik ni Trina ang tingin sa hapag kung saan natatanaw nila kung saan sila nakaupo. Pansin niya kasi ang pagiging abala ng lahat ang paroon at parito ng mga katiwala para maghanda. "Iba talaga pag mayaman 'no? Kayo-kayo lang naman ang s

