CHAPTER 78 --- HULING araw na ngayon ni Chandra maging ng asawang si Tomas at anak na si Nica sa Cebu. Pinakita na ni Tomas ang ticket pabalik sa Baguio kung saan sa Clark Pampanga airport sila dadaan. Naging mabigat kay Chandra ang mga oras na dumadaan. Habang kasi palapit nang palapit ang sandali na sila ay babalik na sa siyudad kung saan sila nagmula mas lalo siyang nakakaramdam ng hirap ang loob niya. Halos nawawalan na rin siya ng pag-asang makita pa ang dalawang anak. Tila yata hindi niya na talaga matutupad pa ang pangako niya sa anak niyang si Johan. "Ma, tumawag pala si Thunder kanina sa akin. Iniimbitahan daw tayo sa mansyon nila para sa isang hapunan mamaya," sabi ni Nica sa kaniya nang lapitan siya nito habang tinutupi niya ng maayos ang huling damit nila ni Tomas na ipapa

