CHAPTER 74

1011 Words

CHAPTER 74 --- MAKAILANG ulit nang magtangka si Chandra makatakas mula kay Tomas. Pero hindi man lang niya magawang maging matagumpay sa plano niya--- lalo pa't balak niya sanang balikan si Johan sa hospital kung saan niya ito iniwan. Naging masakit para sa kaniya ang bagay na iyon, dahil hindi niya man lang magawang maging matapang para tuparin ang pangako niya sa bunso niyang anak na si Johan. Bantay sarado siya ni Tomas, hindi na rin ito lumalabas ng bahay nila pag hindi kailangan. 'yon na lamang ang takot ni Chandra sa sarili na baka tuluyan nang mahuli sa kaniya ang lahat para sa mga anak niya. Nagpasya pa naman siyang magbabago na at magiging matapang para sa mga ito. Pero heto siya at hindi magawang tibagin ang pader na nilalagay ni Tomas para siya ay makawala. "Kumain ka na,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD