CHAPTER 75 --- MASAYANG pinagmamasdan ni Trina si Johan at Kidlat, habang masaya ang mga itong pinapakain ang kabayo sa gabay ng isang nagbabantay doon. Samantalang siya nakaupo lang sa may 'di kalayuan. Ayaw niyang makisali sa mga ito. Dahil masaya na siya, para sa kaniya iyon na ang isa sa magandang tanawin sa buhay niya ngayon. "Ate, halika ka rito," narinig niyang sigaw ni Johan nang lingunin siya nito. Mabilis siyang umiling-iling sa kapatid niya. "Ayos lang ako rito. Enjoy ikaw d'yan," ganting sigaw niya sa kapatid niya. Muli nitong binaling ang tingin kay Kidlat. Kumindat naman sa gawi niya ang binata. Hindi niya tuloy maiwasang kiligin. Parang teenager lang siya sa lagay na iyon, minsan kasi ang sweet lang din sa kaniya ni Kidlat--- simpleng mga bagay na hindi nito alam labis

