CHAPTER 76 --- HATING-GABI na pero gising pa rin si Chandra. Hindi pa rin siya dalawin ng antok dahil sa ilang bagay na iniisip niya. Masakit pa rin sa kaniya ang ginawa ni Tomas. Hindi biro ang ilang sampal na natamo niya rito--- pati ang pag-aalipusta nito sa pagkatao niya. Sumisidhi ang galit na nararamdaman niya kay Tomas. "Gising ka pa, Mama?" Napalingon siya kay Nica, kakalabas lang ng silid nito. Naka-pajama na ito--- siguro katulad niya hindi rin ito makatulog. "Ikas bakit gising ka pa, Anak?" balik tanong niya rito. Tumuloy ito sa maliit na kusina na water despender at microwave oven lamang ang nagsisilbing gamit ng bahay doon. "Hindi ako makatulog. Ganito siguro talaga pag nagkakaedad na, Nica," nakangiti niyang tugon dito. Lumapit si Nica patabi sa kaniya. "May kinala

