CHAPTER 71 --- "HINDI ka talaga marunong madala!" Isang malakas na sampal ang binigay ni Tomas kay Chandra. Napag-alaman kasi nitong pumunta siya sa anak niyang si Johan. "Hindi ko na kaya ang ginagawa mo sa akin, Tomas!" singhal niya rito. Sa pagkakataong 'to gusto niyang maging matapang para sa anak niyang si Johan. Nakita siya nito nang dumalaw siya rito, at iyon na lamang ang tuwang naramdaman ng anak niya nang masilayan siya nito pagmulat ng mga mata nito. "May pinagmamalaki ka na ha?" Umiwas si Chandra nang akma siyang sasampalin sana nito. Agaran siyang napatayo at sinalubong ito ng matalim na tingin. "Alam kong hindi mo magugustuhan kung hanggang saan ang kaya kong gawin, Chandra! Alam kong hindi mo kayang ipagpalit ang kaligtasan ng magagaling mong anak pag pinagpatuloy mo

