CHAPTER 72 --- NAGPASYA na si Trina na lumabas na sila ng hospital. Maayos naman daw ang lagay ni Johan. Nakikita niya naman ang development ng kapatid niya. Pumayag na rin si Kidlat wala na rin itong nagawa pa sa kagustuhan ni Trina. Nangako naman siyang babalik din agad sila pag may napansin siyang hindi maganda kay Johan. Naiintindihan niya naman si Kidlat. Alam niyang nag-aalala lang ito sa kanilang magkapatid. Pero para kay Trina magiging malaki lang ang bill nila kung mananatili pa sila sa hospital. Gusto niya na rin magpahinga ganoon din si Johan, ilang gabi rin kaso halos siyang hindi nakakatulog. Wala namang problema sa kaniya ang magbantay sa kapatid niya, inaalala niya lang din si Kidlat. "Ate alam kaya ni Nanay Chandra doon kay Kuya Kidlat?" tanong sa kaniya ni Johan. Nakab

