CHAPTER 41 NASA cottage na sila ngayong tatlo. Tulad nga ng sinabi sa kaniya ni Kidlat dalawang kwarto ang kinuha nito para sa kanilang tatlo. Silang dalawa ni Johan sa isang silid at si Kidlat ang sa kabila. Agad niyang natanaw ang maliit na sala at dining table sa tabi. "We can stay here for 3 days." Napalingon si Trina kay Kidlat, ang usapan lang nila isang araw lang. Napatatlong araw pala ito. "Talaga, Kuya?" sambit ni Johan. "Akala ko ba isang araw lang?" tanong niya rito. "Hindi enough ang isang araw natin. And, it's okay. Mas marami kayong time ni Johan, Trin," turan nito sa kaniya. Tama nga naman ang sinabi nitong magkakaroon sila ng maraming oras ng kapatid. Pero paano naman ang oras na kailangan nito para sa pamilya nito? "Sigurado ka?" "I'm pretty sure, Trina. No

