CHAPTER 42 --- "SO, KANINO ka IN-LOVE?" tanong ni Kidlat kay Trina. Alam niyang nagtataka ito sa tanong niya rito. Hindi niya kasi sinasadyang marinig ang sinabi ni Johan sa ate nito habang papasok siya nang hindi man lang namamalayan ng dalawa. "In-lovs ba si ate, Johan?" baling niyang tanong kay Johan. Tawa naman ng tawa ang huli sa kanilang dalawa. Halatang natutuwa sa tanong niya rito. "Wala--- kanino naman ako maiinlove?" tugon nito sa kaniyang binaling ang pansin sa mga pinamili niya. Natatawa na lang siya sa naging sagot sa kaniya ni Trina. Alam niyang nagbibiruan lang naman talaga ang magkapatid at wala namang ibig sabihin ang narinig niya. "Just kidding, Trina. Ikaw naman parang hindi ka na mabiro," tukso niya ritong natatawa pa rin. Tinalikuran niya ito at bumalik sa

