CHAPTER 62 ---- UNTI-unti ng nalalaman ni Kidlat ang lahat ng tungkol kay Trina at Johan, sa tulong ng mga taong kinuha niya para sa mga ito. May isa pang kapatid ang dalawang magkapatid--- ayon sa isang malapit na kamag-anak ng mga itong nasa Baguio. Bakit naman iyon itatago sa kaniya ni Trina? At sino ang kapatid nito? Ayon sa sarili niyang imbestigasyon mayaman daw ang pamilya ni Trina lalo na ang nanay nitong walang nakakapagsabi kung sino nga ba ito? Ang hindi lang maintindihan ni Kidlat kung bakit nakuntento ang mga itong manatili sa Baguio? "Isa pa nga pala sa nalaman namin, Boss. Anak si Johan sa labas, kapatid lang siya ni Trina sa nanay niya." Napalunok si Kidlat sa isa pang rebelasyon nito. Bakit lahat ng 'to nilihim sa kaniya ni Trina? Ano ang siyang naging dahilan nito? Bak

