CHAPTER 63 --- ALAM ni Kidlat na hindi angkop ang araw na to, para sa surpresang hinahanda niya para kay Trina. Ayaw niya lang magsayang ng sandaling maipagtapat ang nararamdamang tunay para dito. Ito na rin siguro ang tamang sandali, para malaman nitong totoo ang pag-ibig na nararamdaman niya para sa dalaga. Now or never na lang ang siyang iniisip niya, bukod doon mahalaga sa kaniya ang araw na ito. Walang nakakaalam pati siguro pamilya niya tila nakalimutan na--- but it his birthday today. Gusto niyang magtampo sa kapatid at sariling abwelo, pero wala na siyang magagawa pa. Inintindi niya nalang na matagal ng lumipas ang sandali. Hindi na siguro naalala ng mga ito ang isa sa mahahalagang araw ng buhay niya, tulad na lamang na sinadya niyang kalimutan ang lahat para sa mga ito. Kung

