Drix’s POV Kinabukasan ay nagising ako sa mahimbing kong pagkakatulog ng marinig ko ang pagsigaw ng asawa ko. “Ahh!” Sigaw niya ng pagkalakas-lakas na ngayon ay nakahawak na sa kanyang maumbok na tiyan. “Ano’ng nangyayari, Misis ko?” Tarantang tanong ko sa kanya habang tinitignan siya kung pumutok na ba ang panubigan niya. Pero kahit dugo sa binti niya wala akong nakita. “Ahh!” Dahil sa daing niyang muli ay lumabas na ako ng room at nagtawag ng tulong. “Road! Nurse! Tulong, ang misis ko!” s**t! Manganganak na ba siya? Maya-maya lang ay dumating na sila Road kasama ang dalawang nurse. “Road, ang asawa ko.” Maluha-luha kong tawag sa kanya ng makapasok na siya sa loob. “Sir, lumabas muna kayo kung maaari lang po sana,” tulak sa akin ng nurse palabas ng room ng asawa ko kaya wala na r

