THREE MONTHS LATER Drix’s POV Tatlong buwan na rin ang nakakalipas mula ng pumunta kami ng Seoul. Umuwi rin kasi kami kaagad kinabukasan dahil walang tigil sa kakahanap sa amin si Rix. Na-miss niya na raw kasi kami ng mommy niya, pero mukhang hindi ‘ata totoo ‘yon dahil pasalubong agad ang hinanap niya sa amin pagdating na pagdating namin sa bahay. Mag-aanim na buwan na rin ang tiyan ng asawa ko kaya naman todo-todo ingat na ang pag-aalaga namin sa kanya. Maaga natapos ang trabaho ko sa opisina ko kaya naman naisipan ko na rin na umuwi ng maaga. Dinaanan ko rin si Rix sa school niya. Nagtext kasi ako sa driver niya na ako na ang susundo sa anak ko dahil nga napaaga ang uwi ko. Mga ilang saglit lang din ay nakarating na kami sa bahay namin. Iniakyat agad ni Manang si Rix sa kwarto niy

