TWO MONTHS LATER Drix’s POV Matapos ang pangyayaring iyon ay naisipan ko na palaging buksan ang TV sa kwarto namin sa tuwing aalis ako ng bahay. Para paggising ng asawa ko ay maalala niya kaming lahat sa paligid niya. Isinasalang ko palagi ang CD na kung saan naglalaman iyon ng Video namin noong Anniversary namin. Naglagay na rin ako sa lahat ng sulok ng bahay ng mga litrato naming tatlo nila Rix. Ang sabi sa akin ni Road ay may mga pagkakataon naman daw na nakakaalala siya pero agad din namang mawawala. Kung makikita niyo lang ang buong bahay namin ngayon ay iisipin mong nasa loob ka ng isang malaking Mail Box dahil kahit saan ka lumingon at magpunta ay may mga sticky notes na makukulay na nakadikit sa mga dingding, pinto, bintana at maging ang sahig ay ganoon din. Hindi rin nakalig

