Scarlet’s POV Sa loob ng limang taon na nagdaan ay masasabi kong naging isang mabuting ina ang pamangkin ko. Bilib na bilib ako sa kanya. Kasi kahit mag-isa niyang binubuhay ang apo ko ay nagagawa niya ng maayos ang mga tungkulin niya bilang isang tunay na ina. Sinisigurado niya na kahit busy siya sa work niya ay nagkakaroon pa rin siya ng time para sa anak niya. Maganda ang pagpapalaki niya kay Rix. Napakalambing at masunurin niyang bata. Lumaki itong may takot sa Diyos. Matalino masipag at higit sa lahat ay mapagmahal siyang bata. Alam kong hindi madali para sa isang single parent na magpalaki ng bata pero, sa nakikita ko ngayon, kahit na alam kong gusto na niyang sumuko na lang ay nilalabanan niya pa rin iyon dahil alam kong ayaw niyang maranasan ng kanyang anak ang mga naranasan at d

