Avery’s POV One month later Araw ng lunes ngayon kaya naman mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay. Hindi naman na kailangan ni Tita ng katulong kasi mag-isa lang niya naman dito. Pabor din siyang nandito ako para may kasama na rin siya. May kanya-kanya na rin kasing pamilya ang mga anak niya. Tatlong oras pa lang ang nakakalipas mula ng pumasok si Tita sa trabaho. Nandito lang ako ngayon sa kwarto ko nanunuod ng TV. Ewan ko ba, hindi rin kasi ako gutom o tinatamad lang akong bumaba? Haist ewan kaya manunuod na lang ako ng TV. Kaso nga lang wala namang magandang palabas kaya minabuti ko na lang ding isara dahil naka-abot na ako sa 100 channel wala pa rin akong natipuhang palabas. Nang maisara ko na ang TV ay nakaramdam ako bigla ng lungkot. Napakatahimik kasi. Inihilig ko ang likod ko

