Avery’s POV “Oh, Ija! Nandito ka na pala. Halika na ng makakain na tayo. Maaga akong umuwi ngayon dahil maaga kong natapos ang trabaho ko kaya naunahan na kita sa pag-uwi.” Aya sa akin ni Tita pagkarating na pagkarating ko galing parke. Tumango naman ako bilang sagot at dali-daling umupo sa harap ng hapag-kainan. “Kamusta naman ang pamamasyal mo?” pagbubukas ng topic nito ng nasa kalagitnaan na kami ng pagkain. “Okay naman po, Tita. Napaka-ganda ng ambiance sa park. Maraming tao at napaka-sariwa ng hangin.” Iyon na lamang ang sinabi ko matapos kong sumubo ng isang kanin ng kutsara. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na nagkita kami ni Nix sa park dahil wala pa akong balak ngayon na sabihin ‘yon. “Buti naman pala kung ganoon,” sabi nito at nagpatuloy na ulit kami sa pagkain ng bigl

