Drix’s POV Maaga kong natapos ang meeting with the board of directors kaya naman naisipan ko na puntahan si Zena sa studio nila para makapag-lunch kami ng sabay. Dumaan na ako sa restaurant at nagtake-out na lang para doon na ako kumain sa studio nila para hindi na hassle sa kanya. In-order ko ‘yong mga favorites niya kaya hindi na ako natagalan pa sa pagpili. Mayamaya lang ay nakuha ko na ang mga in-orders ko kaya naman dali-dali na akong pumunta sa studio nila. Hindi ko na siya tinext o tinawagan kasi bawal nga ang cellphone sa studio nila. Tsaka okay na rin ‘yon para surprise. Chance na rin ito para makapag-bonding kami. Nang makarating ako sa studio ay dumeretso agad ako sa dressing room niya dahil tamang-tama ang dating ko dahil lunch break nila. Pero hindi ko siya naabutan doon. Ta

