Avery’s POV Nahinto ang magandang moment namin ni Nix ng makarinig kami ng sunod-sunod na palakpak sa likurang bahagi namin. “What a wonderful scene, huh! Hindi ko akalain na kayo na pa lang dalawa ng bestfriend ng boyfriend ko.” Zena sarcastically said. Dahil doon ay hinawakan ako ni Nix sa isang braso ko dahil alam niyang may tensyon na magaganap sa pagitan namin ni Zena. “Bhabe, pwede bang iwan mo muna kami?” hinging pabor ko. “Pero, Bhabe—” “Please, Nix! Mag-uusap lang kami. Kaya ko na ‘to, wala ka namang dapat ikatakot eh.” Lumungkot naman ang ekspresyon ng mukha niya sa inasal ko. ‘Sorry Nix, i hope you understand me’. Sabi ko sa sarili ko. Siguro mag-uusap na lang kami ulit pagkatapos kong makausap ang babaeng ito na mukhang bagot na bagot na sa kanyang kinatatayuan. “Ano ba’n

