Avery's POV Alas-sinco na ng hapon ng maisipan namin ni Mira na mag-Mall para maghanap ng pangreregalo kay Nix. Syempre bibili na rin kami ng masusuot namin sa party. Kaarawan na kasi ni Nix bukas kaya naman nais ko siyang bigyan ng surprise gift. Tinanong ko siya kong anong regalo ang gusto niyang matanggap pero sinabi nito na Makita lang niya ako at makasama sa party niya okay na siya, um-oo na lang ako kasi baka pagsimulan pa iyon ng away namin. Pero bilang girlfriend ni Nix ay hindi ako papaya na hindi siyabigyan ng regalo. Mahirap ng masabihan na kung sino pa ‘yong nobya siya pa ‘yong walang regalo sa nobyo. Nagpaalam lang ako kay Nix na kay Mira na lang ako sasabay uuwi na agad naman niyang pinaunlakan. Hindi ko pa nga sana mapipilit na sasama itong si Bestie kong hindi ko lang pin

