CHAPTER 11: OFFICIAL

2175 Words

Avery’s POV Ilang buwan na rin ang nakakalipas simula ng hayaan ko si Nix na pumasok sa buhay ko. Naalala ko pa nga kung gaano siya naging sweet sa akin mula ng bumalik kaming Maynila galing Zambales. “Huwag ka na kaya pumasok bukas sa office mo” sabi ni Nix habang papasok pa lang kami sa bahay. “Bakit naman?” takang tanong ko sa kanya. “Alam ko kasing pagod ka nitong nagdaang tatlong araw natin sa isla” concern nitong sabi. “May maghapon pa naman ako ngayon kaya sapat na ‘yon para makapagpahinga pa ako,” pangungumbinsi ko. “Okay, sabi mo eh. Basta susunduin kita dito bukas ng maaga para ihatid ka sa ECC” pangungulit nito na ngayon ay nasa may tapat na kami ng pinto ng bahay. “Opo, sige na” pagpayag ko habang binubuksan na ang pinto. “Sinabi mo ‘yan huh? Wala ng bawian.” sabi nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD