Avery’s POV Nandito na kami ulit sa isla ng potipot sa Zambales. Ayon dating gawi. Tulog ako buong byahe kahit maaga akong natulog kagabi. Ewan ko ba! Nagiging antukin na nga ako, tapos ang lakas-lakas ko pa kumain. Tapos kaunting asar lang sa akin ni Nix naiinis na agad ako, na kung saan hindi ko madalas gawin. Siguro ganoon talaga kapag malapit na mawala sa kalendaryo ang edad ko. Waah!! Iniisip ko pa lang na tatanda na ako hindi ko na kerri! Huhu! maganda pa rin kaya ako? Mamahalin pa kaya ako ni Nix kapag puno na ng kulubot ang buong katawan ko. “Hey! You’re out of your mind again, Bhabe?” Natigil naman ako sa mga naiisip ko ng biglang kurutin ni Nix ang pisnge ko. Ang sakit ah! “Aray, Bhabe, huh!” sabi ko ng pabalang, habang hinihimas-himas ko ‘yong pisnge kong kinurot niya. Hala k

