Avery’s POV Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Pero sa tingin ko ay nasa ospital ako, dahil na rin sa mga aparatong nakikita ko malapit sa kinahihigaan ko. ‘Anong nangyari? Bakit ako nandito?Nasaan si Nix? Bakit wala siya sa tabi ko? Ano ba talaga ang nangyari? Ang huli ko lang naalala ay magbe-breakfast na kami. Pero paano ako napunta sa lugar na ito?’ Nawala ako sa mga katanungan ko sa sarili ko ng mapukaw ang atensyon ko ng bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang doctor na may hawak na records. Medyo na-disappoint lang ako kasi iba ang inaasahan kong iluluwa ng pinto. “Mabuti naman at gising na kayo,” sabi nito ng makalapit na sa akin habang chine-check ang kalagayan ko. “Ah, doc? Ano po ba’ng nangyari sa akin?” tanong ko agad sa kanya. “Dinala po kayo dito

