CHAPTER 3: XIAZTHYN AVERY EGALLA

2001 Words
HINDI ko alam kong anong mararamdaman ko ngayon, basta ang alam ko nandito pa rin ako sa may pinto. Akala ko pagdating namin dito sa mansyon ay magiging maayos na ang lahat pero hindi pala. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang Hendrix Reutotar? E noon pa man ay kay Zena lang siya naging masaya at sweet. Bahala na, basta ako? Sisiguraduhin kong magiging mabuti akong asawa at ipaparamdam ko sa kanya araw-araw kong gaano ko siya kamahal. Nang medyo mahimasmasan ako ay umakyat na ako sa taas ng makapag-shower at makapagpahinga na rin. Nang matapos kong maligo at magbihis ay ibinagsak ko na lang ang sarili ko sa kama at dahan-dahang hinimas ang kama kung saan dapat ay katabi ko siya sa unang gabi namin bilang mag-asawa at dito bubuo ng pamilya pero mukha ‘atang malabong mangyari ‘yon. Tiningnan ko ang orasan at alas-dose na pala ng madaling araw, hindi ko namalayan ang oras, gano’n na ba katagal ang pag-iisip ko sa mga nangyari sa akin ngayong araw na ito? Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako sa mga iniisip ko. ‘Think positive Avery, alam mong uuwi ang asawa mo, hindi ka niya iiwan’ mga salitang pilit kong isinisiksik sa isipan ko. Pero paano kong hindi na siya bumalik? Paano kong tuluyan na niya akong iwan? Kakayanin ko ba? Papikit na sana ako nang makarinig ako ng pagbukas ng gate at tunog ng isang sasakyan. Automatic kasi ang gate ng bahay namin, pipindutin mo lang ‘yong password sa remote na kami lang mag-aswa ang mayroon. Wala rin naman kaming maid sa ngayon dahil bagong lipat pa nga lang kami dito sa bahay namin. Nang makababa na ako ay sakto namang pagbukas ng main door at iniluwa nito si Drix na tila ‘ata nakainom dahil wala na sa tamang direksyon ang lakad nito. Napatakbo pa nga ako no’ng makita kong tutumba na siya. Buti na lang at maagap ako at naalalayan ko siya sa braso kaya ‘di siya tuluyang bumagsak dahil kung nagkataon baka naglips to lips na sila ng floor. Nakumpirma ko ngang uminom siya dahil sa amoy na amoy ko iyon sa buong katawan niya. Mga ilang segundong pag-aalalay ko sa kanya ay bigla na lang siyang bumitaw sa pagkakahawak ko sa braso niya, pero inalalayan ko lang siya ulit at pinaupo sa couch sa sala namin para ipagtimpla siya ng kape. Nang matapos akong magtimpla ay agad na akong bumalik sa kanya at nakita kong nakapikit na siya, mukhang pagod na pagod na siya.Samahan pa ng pagkalasing niya, pero kahit gano’n gwapo pa rin siyang tignan. “Drix, heto oh! Inumin mo muna ito para mahimasmasan ka” nakaupo na ako ngayon sa tabi niya ng sabihin ko iyon habang pilit kong pinapainom sa kanya yo’ng kape, pero nakapikit pa rin siya kaya ginising ko siya ulit. “Drix inu—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang niyang tabigin ang kape na naging dahilan para mahulogat mabasag sa sahig ang tasa kaya nakagawa ito ng ingay na naging dahilan ng pagkagising ng diwa niya. Nagulat pa nga ako ng makita ko na natapunan pala siya ng kape sa damit niya, buti na lang at maligamgam lang yo’ng tubig na ginamit ko, dahil kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ngayon pa nga lang ganito na ang reaksyon niya ng makita niya ang mantsa ng kape sa damit niya paano pa kaya kong hot water na? Baka mapatay niya pa ako ng wala sa oras, syempre joke lang, ‘di naman niya siguro magagawa sa akin yo’n kahit na ayaw niya sa akin. Tsaka gano’n ba siya kagalit sa akin para gawin ang bagay na yo’n? Sayang naman yo’ng Maxwell Coffee, natapon lang. Hanggang sa nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo at sumigaw. “Ano ba!? Letse namang buhay ‘to oh! Bakit ba ang daming istorbo at pasakit sa mundong ‘to? Bwisit!” tumayo siya at bigla na lang kinuha ang vase sa may table sa harap namin at binasag iyon sa harapan ko kaya napatakip na lang ako sa both ears ko. Pero hinabol ko siya ng makita kong paalis na siya. “Let’s go, Drix. Alam kong pagod ka na, kaya kailangan mo ng magpahinga” akmang iaakyat ko na siya sa itaas ng magsalita siyang muli. “Sa guest room ako matutulog” matapos yo’n ay bumitaw na siya sa akin. Pero sinundan ko pa rin siya sa guest room at nakita kong nakahiga na siya ngayon sa kama. Kumuha ako ng palanggana na may maligamgam na tubig at bimpo para banyosan siya. Una kong tinanggal ang sapatos at medyas niya, alam kong hindi siya magigising dahil humihilik na ito sa sobrang kalasingan.Isinunod ko naman ang polo niya tsaka pinunasan ng basang bimpo ang katawan niya, kailangan yo’n para mawala yo’ng amoy ng alak sa katawan niya. Habang pinupunasan ko siya hindi ko maiwasang titigan siya’t haplosin ang kanyang mukha. Tila ba kinakabisado ko ang buong mukha niya. Nang matapos ko siyang punasan ay sinuotan ko na siya ng white sando para gumaan naman ang pakiramdam niya. Hanggang sa namalayan ko na lang na tumabi na ako sa kanya sa kama at niyakap siya ng mahigpit. Sasamatalahin ko na ang pagkakataong mayakap siya, kahit ngayon lang. Gigising na lang siguro ako mamayang 3:00am. Ganito pala ang feeling ng yakap-yakap mo ang taong mahal mo, napakasarap sa pakiramdam. Papikit na sana ako ng maramdaman kong gumalaw siya at niyakap ako ng napakahigpit. Napangiti ako dahil doon, handa nasana akong higpitan pang lalo ang pagkakayakap sa kanya ng bigla na lang itong ng Sleep Talk. “Hmm, A-achka m-mahal na mahal pa rin kita” ‘yan lang naman ang mga salitang tuluyang nagpawasak ng puso ko at nagpatulo sa aking mga luha. Hindi ko lubos maisip na hanggang ngayon pala ay siya pa rin, dahil maging sa panaginip niya ay si Zena pa rin ang isinisigaw ng puso niya, kaya umalis na lang ako sa pagkakayakap niya at hinalikan siya sa kanyang noo. Hindi ko alam kong ilang segundo o minutong nakalapat ang mga labi ko sa noo niya, basta ang alam ko, namalayan ko na lang na napatakan na pala siya ng aking mga luha. Agad ko namang iyong pinunasan at kinumutan siya tsaka umalis sa kwartong iyon. Ang tagal ko siyang pinangarap, pero ito lang pala ang mapapala ko. Naalala ko tuloy ‘yong araw na una kaming nagkaharap. “Teka, saan mo ba ako dadalhin? Bitiwan mo nga ako, nasasaktan ako sa ginagawa mo eh” grabe naman kasi siya makahila parang wala ng bukas. Namalayan ko na lang na nasa labas na pala kami ng resto. “Ano ba'ng kailangan mo at kailangan mo pa akong dalhin dito?” matagal bago siya nagsalita, dahil parang iniisip pa niya kung ano ang sasabihin niya sa akin. Pero nabigla ako ng hinablot niya ang kamay ko at may inilagay siya sa aking palad. “Wear this” aba! makautos siya wagas. Tinignan ko naman ang kamay ko at nagulat ako no'ng makita kong isa pala iyong engagement ring, wtf. Okay na sana eh, kaso 'di romantic, sarcastic eh. Efic failed. Gano'n na pala magpropose ngayon? Halata ngang napilitan lang siya. Ano nga kaya ang dahilan? Pwede naman siyang tumangi kung bukal sa kalooban niya 'di ba? “Wait, para saan ‘to, bakit mo ko bibigyan ng ganito kong sa una pa lang alam na nating pareho na ‘di natin gusto ang nangyayari ngayon?” “Oo tama ka, ‘di ko nga ginusto ito, pero wala na akong magagawa, naayos na ang lahat. Alangan namang sirain pa natin ang mga napaghandaan na ng mga magulang natin. Tsaka isa pa, parang nakakapagtaka naman ‘atang ayaw mo sa arranged marriage na ito? Parang sinabi mo narin na lugi ka pa sa akin, if I know, patay na patay ka sakin noon pa lang” aba, ang loko 'to! Oo inaamin ko na matagal ko na siyang gusto pero, hindi sa ganitong paraan na ipagkakasundo kami ng mga magulang namin na ‘di muna inisip kong magwo-work ba ang relationship namin. Hindi ba pwedeng kilalanin muna namin ang isa’t isa? Masyado naman ‘ata silang excited? “Hoy! Para sabihin ko sa 'yo, nabigla lang ako sa mga nangyayari ngayon. Teka! Sabihin mo nga bakit parang ikaw ang may gusto sa kasunduang ito at ‘di ka man lang umapela kanina?” “Asa ka naman na gusto ko rin ‘to. Napilitan lang ako, ‘yon lang ‘yon. Kaya kung ako sa 'yo suotin mo na ‘yan ng pagpasok natin ulit sa loob ay makita nila na nagpropose ako sa 'yo” wow ha, ako pa talaga ang inutusan. Kasama kasi namin ngayon ang mga mother namin. “And one more thing, lilinawin ko lang sa 'yo lahat habang maaga pa. Magpapakasal lang ako sa 'yo kaya ‘wag kang umasta na magiging mabuting asawa ako sa 'yo dahil pangalan ko lang ang makukuha mo at ‘di ang puso ko. Always keep that on your mind” matapos ‘yon ay nauna na siyang bumalik sa loob. At ito ako ngayon, parang ‘di makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang nasaktan ako sa mga sinabi niya, pero ano nga ba talaga ang dahilan nila? Bakit kailangan mangyari ‘to sa akin, bakit? Wala rin naman akong nagawa kaya sinuot ko na lang din ang singsing tulad ng sinabi niya. Matapos ang mahaba-habang usapan naming iyon ay bumalik na ako sa loob at humarap sa kanila na parang walang nangyari. Nang matapos ang dinner na iyon ay agad na kaming umuwi ni Mom sa bahay. “Mom! Sabihin niyo nga sa akin, bakit kailangan kong pakasalan si Drix” naiinis na talaga ako sa inaasta ng nanay ko, ‘di ko na siya maintindihan ano ba talaga ang dahilan nila? “Simple lang kasi gusto ka ni Drix, ‘yon lang” aba, ako pa talaga ang niloko niya. Kung alam mo lang Mom kung paano niya ako bully-hin sa harap ng maraming tao. “Mom, hindi ako nakikipaglokohan, tell me about the arranged marriage, why it’s so bilis?” “Ah-eh, k-kasi anak ano eh, okay fine! I’ll tell you the reasons but promise me one thing first” “Okay! What is it now, Mom?” “Promise me that your not going to intervene the agreement, I mean the marriage.” “Why would I? Eh kung ‘di naman maganda ang rason.” Tama naman ako 'di ba? “Okay, kasi humingi sa akin ng tulong ang Tita Meg mo, kasi bumabagsak na ang RCC nila. Kailangan nila ng tulong natin para makabangon ulit sila. Ayoko naman tanggihan si Megan dahil matalik ko siyang kaibigan. Marami rin siyang naitulong sa akin noon no'ng ako naman ‘yong nangangailangan ng tulong niya. So please anak, ito na ang huling bagay na hihilingin ko sa 'yo, kaya pagbigyan mo na ang Mommy. Last na 'to, promise! At tsaka isa pa crush mo siya hindi ba?” So ‘yon pala ang pinuputok ng butchi ni Mommy.Well ano pa nga ba’ng magagawa ko, ayoko namang madisappoint siTtita. Hay, bahala na nga. “Wait! How did you know that I have a crush on him?” Wala akong matandaan na sinabi ko sa kanya ‘yon. “Wala! nasabi ko lang. At huwag ka ng tumanggi baby, kasi sa bibig mo na rin nanggaling na may crush ka sa kanya. Halata kaya sa itsura at kilos mo kanina. Iba ka tumangin sa kanya eh” okay suko na ako. Mom knows me that much talaga. Kaya heto ako ngayon, palaging nasasaktan ng dahil sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD