MAAGA akong gumising ngayon dahil alam kong maaga ang pasok ni Drix. Hindi ko nga alam kong nakatulog ba ako kagabi o hindi eh. Unang araw namin ngayon, kaya ipinagluto ko siya ng sunny side-up, bacon, hotdog and fried rice. Sakto namang pagbaba ni Drix ay nakapaghain na ako. Nakita ko pa siyang nag-aayos ng neck tie niya habang nakasukbit na rin ang body bag niya sa balikat niya. Aayusin ko na sana yung neck tie niya ng bigla niyang iniwas ang sarili niya sa akin. Nakita ko kasi na hindi niya mapatino ang pag-ayos sa tie niya. Narinig ko pa nga siyang napamura sa sobrang inis niya sa tie niya, kaya nilapitan ko na lang kaso, ito lang ang napala ko sa kanya. “I can manage.”Kaya naman hinayaan ko na lang kahit na ang totoo ay hindi niya ito maiayos ng mabuti. “Sabay na nga pala tayong ku

