SIMULA
Kaylan koba matatawag na akin ang isang tao? Kapag ba may commitment kami sa isa't isa? O kahit na wala kaming commitment pero alam at ramdam ng puso kong hindi sya sa iba?
Andami kong gustong mangyare habang nabubuhay ako, may mga tanong na hindi ko masagot at may mga sagot naman kahit na wala akong tanong.
Sa sobrang dami kong mga sagot hindi ko alam kung ano ang tama sa mali, ang ayos sa hindi. Dahil may mga bagay na akala ko'y tama na kalauna'y nagiging mali. May mga ayos sa una ngunit dirin nagtatagal at nagiging magulo.
At paano kung kahit na alam mong nasa tama ka ngunit ang puso mo na ang napagod sa kakalaban ng walang naniniwala, maipaglalaban mo paba ang mga desisyon mo sa buhay? O magpapadala ka nalang at hahayaan ang sarili mo na maging mali sa paningin nila.
Ang alam kolang ay nasa paninindigan ito ng isang tao. Magiging tama ang desisyon kung ito'y patuloy mong ilalaban at magiging mali naman kung titigil ka sa paglaban.
Sapagkat hindi ganon ang pagmamahal, hindi mo dapat pinipilit at pinapanindigan kung alam mong kahit na anong laban mo ay talo kana.
Ano bang mali sa pagmamahal? Kaylan ba maniniwala ang tao sa rason ko na pagmamahal?
Ngunit alam ko at naniniwala akong magbabago ang ihip ng hangin,
As time goes by, ikaw ang rason sa lahat ng sagot ko, yun nga lang ay kung nakapalagay pa saakin ang mundo.
******
DISCLAIMER!
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!