*****
Jerald, nat hawakan nyo yan.. Ako muna!" sambit ng lalaking nasa gitna atsaka tumango ang dalawa..
Nakita kong hinawakan na ng dalawa ang batang babae kaya pumulot ako ng bato..
Nangpapalapit na ang batang lalaki sa babae ay agad ko itong binato, natamaan ito sa braso kaya napatingin sila sakin.. Naglakad ako papunta don ng nakataas ang kanang kilay..
"alis." malamig kong sambit at nakita ko naman silang papatalikod na naglakad..
"bilis!" sigaw kopa at agad silang tumakbo..
Nang makalapit ako sa batang babae ay mabilis itong yumakap sa baywang ko.. Hanggang baywang ko lamang ito pero yumakap ako pabalik..
"ayos kalang ba?" tanong ko sa kanya kaya humarap sya sakin ng umiiyak..
Ang ganda nya, may porselana syang kutis, matangos na ilong at magagandang mga mata.. Mahaba ang kanyang buhok at makikita mo namang naalagaan itong mabui.
Yumuko ako sa kanya hanggang sa magpantay kami..
"op-pooo.. T-thankyouuu ateee" garalgal parin ang boses nya kaya umiling ako..
"wag ka ng umiyak, hindi ka na nila gagalawin.." sambit ko sa kanya at ngumiti..
"halika nga dito." yaya ko sa kanya at niyakap.. Yes, mahilig ako bata at magaan ang loob ko sa kanya.. Maganda sya at mabuting tao..
Ayokong mangyare sa kanya ang nangyare sakin nito lang mabuti nalang at dito ako nadaan at hindi nangyare s akanya yun..
Nang natapos ang yakap nya ay niyaya ko sya palabas ng eskinita.. Tumingin ako sa orasan ko at nakitang quarter to 8 na.. Patay.
"ate nakauniform kapo, papasok po ba ikaw?" takang tanong nya kaya tumango ako hinawakan nya ang laylayan ko ng akmang aalis nako kaya umiling ako..
"halika humawak ka sa kamay ko may nakita kasi akong icecream vendor, ibibili sana kita kaso diko naman alam na gusto mong sumama." sambit ko at napakamot sa ulo.. Ngumiti ako sa kanya at nakita ko namang nginitian nyako pabalik.
"manong, isang icecream nga po." saad ni manong at tumango..
"bayad po." sambit ko atsaka sya niyaya sa park sa gilid ng school namin.
Madami ng mga studyantrng nagpapandalas pumasok at ang iba naman ay simple lamang at ineenjoy ang pagkalate.
Tumingin ako sa batang kasama ko ngayon at hinaplos ang kanyang buhok.
"ate ansarap pala nito.." saad nya sakin at alok ng icecream kaya ngumiti ako.
"sayo na iyan, saka oo naman masarap yan no bakit?" takang tanong ko.
"kase sabi sakin ni mom, dirty daw ito totoo po ba yon?" tanong nya kaya umiling ako..
"hindi no, kaya yan tinawag na dirty icecream kasi mababa lamang ang presyo nyan kaysa sa ibang ice cream at isa pa ay nilalako yan di gaya ng iba.." smabit ko sa kanya nakita kong tumango sya sakin at inubos ang ice cream.
"pero kahit madumi ito uubusin ko to, ansarap e." smabit nya atsaka tumawa.
Nang matapos sya ay humarap sya sakin..
"ate ano pong palangan niyoo?" tanong nya na itinagilid pa ang ulo.. Ang cuteeee..
"ah ako? Ako si sheya." sambit ko atsaka ngumiti..
"ah ate sheya, nag aaral po kayo jan diba po?" tanong nya kaya tumango ako.
"bakit po nandito pa kayo?" sambit nya.
"pag iniwan kita dito pwede kapang mapuntahan ng mga lalaki dito at ayokong mangyare yun.. Halika na at ihahatid kita.." smabit ko sa kanya tumayo ako at humawak sya sa kamay ko..
Masaya syang naglalakad kasama ako..
"saan po tayo pupunta ate sheya?" tanong nya sakin..
Nyeta hahahaha oo nga no.
Yumuko ulit ako para magpantay kami.
"ihahatid kita." sambit ko.
"hindi po jan ang bahay ko ate sheya doon po." smabit nya sabay turo sa kabilang kanto.
Lokaloka ata tong bata nato e . Sinabi kona kanina na ihahatid ko sya tas naglalakad kami bibirahan ako ng tanong na saan kami pupunta hahahha kaso naloloka narin ako at hindi ko natanong.
Nang makarating kami sa gate ay isang magandang babae ang bumungad samin, 38 to 42 jan siguro naglalaro ang edad nya..ngunit hindi mo mapapansin dahil sa kinis ng kutis... Tumingin ako sa bahay nila ngunit taas lamang ang nakita ko dahil sa gate.
Mayaman pala talaga ang batang ito kaya pala ngayon lamang nakatikim ng dirty ice cream
"chlea! Where have you been!!" galit na sambit ng babae atsaka tumingin sakin na nakahawak parin ang kamay nya..
Chlea ang name nya, ang cuteee..
"mom, this is ate sheyaa ate sheya she's my mom." pakilala niya at ngumiti kaya ngumiti ako.
"hello iha." sambit naman sakin atsaka nakipag beso..
Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa atsaka ngumiti na umiiling..
"Ang ganda mo naman" tumingin sya sakin habang umikot.
Tumingin ako kay chlea na nakangiti..
"perfect! Almost perfect." smabit ukit ng mom nya sakin atsaka humarap.
Pumalakpak ito atsaka bumaling kay chlea.
"gusto kong magalit sayo dahil umalis ka ng walang paalam pero nang makita ko ang kasama mo ay napagtanto kong dapat pa pala kita pasalamatan anak Sya ang sagot sa problema natin, nang company..." sambit nya saka ngumiting yumakap sa anak nya..
"pasok ka sa loob iha." sambit sakin ng mom ni chlea nakahawak sya sa likod ko at galak na galak akong pinapasok.
"manang, please get snacks and bring it to the pool side." sambit niya dito atsaka ngumiti.
Nauna syang naglakad papasok atsaka nagsabi saking may kukunin lang kaya tumango ako..
nakita ko ang mga body guards sa lahat ng area, anong pamilya sila? Kung may mag nanakaw na papasok dito ay paniguradong paakyat palang sa bakuran nila ay patay na.
Nakasuot sila ng suit atsaka may mga baril..
Bago ako tuluyang makapasok ay humarang ang dalawang guard.
"get lost!" galit na sambit nng mom ni chlea at agad akong hinawakan papasok.
Malawak ang kanilang bahay, mansyon ito kung tutuusin..
May isang malaking hagdan at nakared carpet rin simula sa labas ng pintuan.
Madami silang kasambahay at halos lahat sila ay disente ang mga suot..
Tiningnan kopa ang buong kabuuan ng bahay nato para itong hotel na pagka kastilyo.
May mansyon din naman kami ngunit hindi ganto kaganda at kalawak.
And it's modern at ang amin ay may pagka modern pero hindi lahat..
"iha feel at home." sambit nya sakin kaya tumango ako.. May kinuha sya sa taas pero bago iyon ay pinasamahan nya ko sa pool area.
"miss dito po tayo." smabit ng isnag kasambahay kaya tumango at ngumiti ako.
Malawak ang bahay nila at madami pang madadaanan bago ang pool side..
It's infinity pool.. May mga halaman sila at may mga puno sa kabila naman ay may jacuzzi at may nakita pakong para syang another space para sa coffee may table ito sa gitna at dalawang upuan. Napapalibutan ito ng tubig ngunit may daan naman papunta doon..
How nicee.. Ang gandaa ditoo..
"ate sheyaaaa halikaaa maligo tayoo." sambit ni chlea sa aking likuran nakita kong nakapang swimsuit sya ngumiti ako dito atsaka sumenyas na siya nalang.
"may pasok pa kasi ako mamaya e." smabit ko.. Lumapit sya sakin atsaka ng pout.
"ikaw talagaa." smabit ko atsaka pinisil ang kanang pisngi nya niyakap nya ko ulit atsaka ngumiti..
Ang lambing talaga ng batang ito..
"oh ayan na pala kayong dalawa.." sambit ng mom nya na naka swimsuit rin.
Umupo sya sa gilid ng inuupuan ko atsaka kumuha ng wine na nilagay sa lamesa ng pagitan namin.
"sheyaa, ihaa I'm Mineah Gutierrez Calleja. The owner of Highest Modelling Agency International, ako rin ang namamahala nito dahil isa rin akong designer kung hindi mo nalalaman and i want you to become my main model."
*****