Prologue
Galera's PoV
Its sunday morning when my dad wakes me up.
"Jussé!! Aalis na si Papa!! Andyan na yung pagkain mo, nasa kaldero na rin yung ulam mo!! Alis na ako anak!!" ayan ang huli kong narinig sa kanya bago ako lumabas ng kwarto ko at tumungo sa kusina.
Kumuha na ako ng plato, kutsara, tinidor at ibang utensils bago kinuha ang kaldero.
Nakita ko ang kanin na sakto na sa akin at isang sunny side up egg, saka munggo.
Nagsimula na akong kumain. Pagkatapos ay hinugasan ko na rin bago bumalik sa kwarto.
Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang group chat na bagong gawa dahil nga sa online class na yan.
Napairap nalang ako. Seriously?
'This is our group chat for the whole school year 2020-2021' ayan nakalagay na sinabi ng adviser ko.
'This group chat is for school related only. Kung gusto nyong mag usap it's much more okay kung i-pm or gumawa nalang kayo ng group chat nyo' napakahabang sabi ng adviser ko.
Nagsi respond naman ang mga kaklase ko. At ako? Wala nag seen lang.
'We have a zoom meeting later, 2 p.m in yhe afternoon. For those who have a wifi signal join it. And sa mga walang load, ilalagay ko naman dito ang mga napag usapan' agad agad meeting?
Kinuha ko naman ang laptop sa may tabi ng kama ko. Binuksan ko yon at doon nalang ako makikipag meeting mamaya.
Nag aksaya muna ako ng ilang oras sa pagnood ng mga movies dito sa laptop ko.
At nang pumatak ang ala-una ay naligo na ako.
Pinatuyo ko ang buhok ko at binalikan ang messenger.
'Just click the link for those who will attend the meeting' pinindot ko nalang iyon, pagpasok ay nag off cam nalang ako.
Nag ipit nalang ako ng buhok bago kunin ang chips na binili kahapon ni papa sa grocery store.
Nang mag 2 p.m. na ay nagsimula ng magpaliwanag ang adviser namin.
Mula sa mga subject teacher ay ipinakilala nya sa amin, ang schedule ng mga module at iba pa.
Bago pa mahuli ang lahat ay pinag o-on cam kaming lahat. Umalis na ako sa zoom at pumunta uli sa messenger.
Nagtipa ako don.
'Ma'am nawalan po ng net' sabi ko nalang.
Im not fond of talking pictures. Even my f*******: profile picture is not me.
Don't get me wrong, Im not a poser or whatever you think.
It's actually a fan art man. That's all. I don't have many internet friends too.
'Ayos lang anak, mag take lang sana ako ng picture' my adviser replied to my message.
I just heart it and mind my own business.
Few hours later im getting bored. I return to my messenger.
I decided to stalk my classmates, in my dummy account ofcourse. I don't want to get caught.
Its alphabetically arrange, so hindi na ako mahihirapan.