Bigla akong nablanko dahil sa sinabi ni Daddy. First, I was not expecting them to be here and most especially, I was not expecting that they are here to fetch me. Napatingin kaming lahat nang isa-isang pumasok sila Nanay Susan sa bahay. Magalang lang silang bumati kila Mommy at Daddy saka nagmamadaling dumiretso sa kusina dala-dala ang mga gamit na dinala namin mula sa trip. Huling pumasok si Kean. Nagkatinginan kaming dalawa ang I can almost feel his worry. Nararamdaman kong gusto niyang magsalita ngunit alam niya kung saan ang lugar niya. Tipid itong bumati sa mga magulang ko at maglalakad na sana paakyat sa kwarto niya nang tawagin siya ni Mommy. “Kean, please stay for a while. Tatapusin lang namin saglit ang pinag-uusapan dito kay Sue tapos ipapakilala kita ng personal sa asawa ko

