Agad ding umalis si Mommy kinabukasan. Ang mga alahas at ang envelope ng last will ni Lola ay pinili kong ibalik na lang ulit iyon sa pinaglalagyan ni Mommy. Ang susi ng drawer na iyon at ng kwarto ay nasa akin na. I have no worries about it dahil mapagkakatiwalaan naman ang mga tao dito. Nilagay ko lang ang susi sa aking wallet. Wala naman magtatangka na kumuha niyon dahil ako lang naman ang nakakaalam sa bagay na iyon, si Mommy na mismo ang nagsabi. Imagine, for almost two decades, nanatili lang ang mga iyon sa drawer. Wala manlang nakaalam o nagnakaw na may ganoon pa lang nakatago sa bahay na ito. Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa higaan nang makarinig ng mahihinang katok sa pinto ng kwarto ko. Napangiti ako dahil sigurado akong si Kean iyon. I told him to go here while we were eat

