Bothered Hindi mawala wala sa aking isipan ang sinabi ni Isaiah. Naiserve ang pagkain pero naroon parin ang aking isipan. Halatang nakamove-on na siya sa topic habang ako naman itong natutulala pa. Ba't masyado akong excited sa session na sinasabi niya? Bigla kong gustong magyaya umuwi... Oh my gosh... Napaka lala ko na talaga! Itinigil ko narin naman ang topic na iyon. I didn't win pero hindi naman iyon labanan na dapat ay may matalo at manalo. And we're not in court! It's just a conversation. Pag nagseryoso talaga ako, sigurado akong mananalo ako sa kanya! Totoo iyon! It was a nice dinner date. Ang gaan sa pakiramdam ng violin at ang sarap rin ng siniserve nilang pagkain. Bigla ko pang naalala iyong madalas naming ginagawa noon na nasa tabi tabi lang, nasa kalindary or tusok tusok la

