Session Isaiah helped me with the shrimps. Siya ang nagbabalat noon habang isinasawsaw ko iyon sa honey. Irah was busy eating her baby back ribs, too. Si Kuya Toshi naman, pasulyap sulyap sa aking kinakain, hindi na nagtataka at marahil ay may ediya na. Kuya Toshi and Isaiah were talking with their work seriously habang kami naman ni Irah ay iba rin ang topic, malayong malayo sa topic ng dalawa. "Ano ba 'yang kinakain mo? Nakakaduwal..." reklamo niya nang isinawsaw ko iyong muli sa honey. "Eh sino kaya itong nilalagyan ng cheese ang cup noodles?" Kuya Toshi glance at me. May sasabihin sana ito kaso nang matalim na tiningnan ni Irah ay natutop ang bibig at ibinalik ang atensyon kay Isaiah. Noong magtagal na ang aming pag-uusap, nakisali narin sila sa amin at agad naming sasamaan ng ti

