Low Class Sa paglubog ng araw ay nanatili na kami sa labas, facing the pool, lalo na't nag-iinuman sina Daddy at Isaiah. Bigla bigla silang naging close at para nang mag-ama dahil sila na ang madalas na nag-uusap at nagngingisihan. Malayong malayo na ang kanilang topic. Kapwa sila may beer habang kami naman ni Mommy ay may sarili ring mundo dito sa may veranda. Nakaupo ako sa bilugang couch ganoon din si Mommy na sinusuklay suklay ang aking buhok. Namumungay ang kanyang mga mata, hindi parin nabubura ang kislap doon dahil sa nalaman. "Ilang weeks na ba 'yan?" tanong ni Mommy. "Eight weeks na po ata ang tiyan ko, Mommy..." "God... Sobrang saya ko sa'yo. I can't wait to carry my apo, Zera." Ngumiti ako kay Mommy at hinaplos ang flat kong tiyan. Iniisip ko na kung kanino siya magmama

