Proud Sunday. Umaga palang, nasa gym na kami ng condo unit si Isaiah. I was eating some baked potatoes while watching him lift some barbells. Pawisan na ito. Topless at nakasweatpants lamang. His muscles are flexing. Ang ripples sa dibdib ay nakakapanglaway. Ang matigas na tiyan ay nagpapatulala rin sa akin. Nagtreadmill ako kanina, pero noong napagod na at heto ako, kumakain habang nakaupo sa bench. May malaking salamin dito, halos inukupa ang buong pader at makikita mo talaga ang kabuuan, kahit ang likod ni Isaiah ay nakikita ko rin doon kung paano iyon gumagalaw sa bawat pagbubuhat niya. May malaki ring flatscreen tv sa itaas, mga sari saring equipment. Sumulyap siya sa akin, malalim agad ang tingin kaya kumurap ako at hindi na gaanong tumitig sa kanya. Isaiah smirked at me, nanu

