MANGHANG nakatingin lang si Gina sa kanyang boss, ang mga mata niya ay nangingisap at puno ng kuryosidad habang pinanonood ang tulala at para bang may sariling mundo na si Claudette.
Kanina pa niya ito pinanonood mula nang mapansin niyang wala ito sa sarili at nakatulala lang habang ang kaninang hawak na ballpen ay pinaglalaruan na ng mga bibig. Ang tunog ng air conditioner at ang mabagal na pag-click ng ballpen ang tanging maririnig sa loob ng opisina.
Halos kalahating oras na ring nakatayo si Gina sa tapat ng pinto. Noong una ay pumasok talaga siya sa loob para ipaalala sa kanyang boss na nagpadala na ng approval ang isa nilang investor sa bagong project para sa balak nilang meeting sa susunod na araw. Naroon ang gulat sa kanyang mukha nang matunghayan niya na sa halip na nakayuko ang mukha ng boss sa mga papeles na nasa lamesa, ay nakaupo lang ito habang nakatulala sa ere na para bang napakalalim ng iniisip. Kaya naman gustuhin man ni Gina na magsalita para at magtanong ay pinigilan niya ang sarili at sa halip ay ilang beses na tinawag ang atensyon ni Claudette—but to no avail.
Ilang beses niya itong tinawag pero nanatili lang sa pagtulala si Claudette kaya naman sa huli ay hindi na ipinilit pa ni Gina na kuhanin ang atensyon ng boss. Pero hindi siya umalis, sa halip ay pinanood niya ang boss dahil iyon ang unang beses na makita niya ito sa ganoong kalagayan.
Gina knew that her boss was a workaholic type of woman. The moment that she takes a seat in front of her table, she can completely forget everything, aside from doing her job. Kumbaga, nagkakaroon ito ng sariling mundo kung saan puro trabaho lang ang nasa isip nito at wala ng iba. Kung hindi mo ito iistorbohin ay hindi talaga ni Claudette mapapansin ang oras.
Kaya naman ganoon na lang talaga ang gulat at pagtataka ni Gina dahil sa unang pagkakataon nga ay natunghayan niya ang ganoong Claudette—tulala at malalim ang iniisip. Kung hindi lang dahil sa halos anim na taon niyang pagkakakilala kay Claudette ay aakalain niyang inlove ito. But knowing Claudette, that would never happen—well, not yet.
When the time was about to reach six pm, it was only when Gina decided to bring back her boss from her reverie. So she stood straight and then walked towards the table. Kasabay noon ay ang tahimik na pagtunog ng daily alarm niya na oras nang pag-alis ni Claudette.
Marahan niyang tinapik sa balikat si Claudette bago ito tinawag. “Miss Claudette? It’s six o'clock already.”
Hearing that call and feeling the gentle tap on her shoulder, Claudette finally returned from zoning out. Wala sa sariling ibinaba niya ang hawak na pen sa pen holder niya at napatingin sa mamahaling relo sa palapulsuan.
“Hmm? Oh,” mahinang untag ni Claudette tsaka napatayo.
Tahimik na napaatras naman si Gina at pinanood si Claudette na magsimulang mag-ayos ng mga gamit. Mabilis na iaabot niya pa kay Claudette ang mga bagay na hinahanap nito, katulad ng susi ng sasakyan, at ang blazer na parehong nakasabit sa katabing rack, kahit pa nga hindi ito nagtatanong o nagsasalita tungkol doon. Na para bang hindi iyon ang unang beses na mangyari ang mga iyon.
Napangiti pa si Gina ng makita ang pagkakakunot ng noo ni CLaudette nang makita ang ilan pang mga papeles na naiwan sa kanyang table. Napahinto tuloy si Claudette habang nagpasalit-salit ang tingin niya sa mga papel na iyon at sa kanyang relo.
Iyon yata ang unang beses na aalis si Claudette sa kanyang opisina nang may naiwang trabaho sa kanyang lamesa. And by how she looked contemplative, it was obvious that she was trying to think about what to choose; ang maupo ulit para tapusin muna ang trabaho, o ang makauwi para sa naghihintay na anak.
And both were important kaya naman nahihirapan talagang pumili si Claudette. Magsasalita na sana si Gina para magbigay ng suhestiyon, pero naunahan na siya ni Claudette nang maingat na pinagsama-sama nito ang mga papel sa kanya-kanyang folder. Seeing that, Gina already knew what her boss wanted to do, so she walked towards her table and took a fashionable eco bag. Nagmamadali siyang bumalik sa loob ng opisina at iniabot ang bag kay Claudette.
“Thank you,” pasasalamat ni Claudette.
Nakangiting tumango si Gina kay Claudette at muling umatras kaya naman nagsimula na ring ilagay ni Claudette ang mga folder sa eco bag. And as usual, she put everything in an organized way.
Isinuot muna ni Claudette ang kanyang blazer at inayos ang sarili. Then she put the eco bag on her right hand while her handbag was on her left hand.
“The valet told me that the car was already parked in front of the company, Miss,” Gina announced. “Nakaalis na rin daw po si Manong Jun, mukhang nagmamadali kaya hindi na kayo nahintay. Nag-taxi na raw po siya pauwi,” dagdag niya pa.
“That’s okay. I will just drive on my own,” seryosong tango ni Claudette at napatingin kay Gina.
Bago pa man maitanong ni Claudette ang gusto niyang itanong ay mukhang nabasa na ni Gina ang sasabihin niya kaya naman nauna na itong magsalita.
“The investors had already agreed to the time we had given. They were just waiting for the exact location and the time for the meeting,” nakangiting report ni Gina.
Napangiti naman si Claudette dahil sa pagiging convenient na sekretarya ni Gina. Para itong manghuhula na laging nababasa ang mga kilos at iniisip niya kaya naman bago pa man siya makapagsalita ay nagagawa na nito ang nais niya.
Pero agad na nawala ang ngiti niya nang maalala ang tunay na dahilan kung bakit niya gustong malaman ang tungkol doon. At mababakasan iyon sa ekspresyon ng mukha niya kung saan hindi lumampas sa mapagmatyag na mga mata ni Gina. Pero hindi nagsalita si Gina at hinayaan na kusang ilahad ni Claudette ang tungkol doon sa kanya.
Parang gusto namang mapahilot sa sintido ni Claudette dahil sa bahagya siyang nakaramdam ng pagkahilo kahit pa nga wala naman siyang masyadong ginawa kanina pa. Maliban sa ilang oras din siyang nakatulala ay ang pamomroblema niya yata sa pangyayari kanina ang siyang nagpasakit ng ulo niya kumpara sa tuloy-tuloy niyang pagtatrabaho.
“Call them again and tell them that we will be changing the allotted date and time to the following week. If they ask for the reason, just tell them that we can just find other investors who will just agree to the given time without any questions.”
Nagbukas-sara ang bibig ni gina dahil sa hindi niya malaman kung ano ang sasabihin o kung paano sasagot sa sinabing iyon ng kanyang boss. Pero hindi na siya nagulat sa isinagot na iyon ni Claudette dahil kung tutuusin ay hindi naman iyong ang unang beses na narinig niya ang ganoong sagot mula sa kanyang boss.
Napatango na lamang si Gina at hindi na nagtanong o nagsalita pa. Hanggang sa makababa na sila at makarating sa harapan ng nakaparadang kotse ay tahimik lang na nakasunod si Gina kay Claudette. Huminto lang ito nang huminto rin si Claudette para buksan ang pinto ng sasakyan.
Claudette stopped herself from opening the door and once again looked at Gina, who was behind her. “You can cancel all the meetings for the next week. Just ask them to allot another date and time, but not this coming week.”
“Noted, Miss,” sagot ni Gina.
“Thank you, Gina. Then I will go now. You can just call them tomorrow. But for those meetings and appointments tomorrow and for the weekend, call them as soon as possible,” muling paalala ni Claudette bago bumasok sa loob ng sasakyan.
“I will, Miss. Have a nice and safe drive, Miss Claudette,” nakangiting paalam ni Gina tsaka pinanood ang pag-alis ng kotse ng boss bago muling pumasok sa loob ng building para gawin muna ang mga iniutos.
Diretso naman sa daan ang tingin ni Claudette habang sakto lang ang bilis ng pagmamaneho ng kotse. Katulad ng kanyang pagbyahe ay naglalakbay din ang kanyang isipan tungkol sa naging desisyon niya mula sa kanina niya pa pinoproblema.
Inabot din siya ng ilang oras na diskusyon sa sarili kung ano nga ba ang gagawin niya. Kung papayag ba siya o hindi sa iniwang kondisyon sa kanya ni Mr. Raphael Mortiz.
Bago kasi siya hinayaan ni Raphael na umalis ay iniwanan pa muna siya nito ng isang tanong kung saan kailangan niyang pumili at magdesisyon para sa anak. If it was only about some normal instances, Claudette would not hesitate to decline. Unfortunately, her decision would result in the happiness of her son, which was always her number one priority.
The choices Raphael Mortiz left for her are not only related to the happiness of her son, Claudio, but it could also interfere with her freedom. Kaya naman natagalan talaga si Claudette at nahirapang makapagdesisyon dahil nagsasapawan ang mga advantage at disadvantage ng mga magiging desisyon niya.
Sa huli, dahil mas matimbang pa rin sa kanya ang anak ay pinili na lang niya ang posibilidad na magiging masaya ito, kaysa sa sarili. Katulad na lang ng kasabihan niya sa buhay. A happy son is a happy life.
Mahinang napabuntonghininga si Claudette habang nakatingin sa traffic light na nakahinto sa kulay pula. Kahit kasi nakapagdesisyon na siya ay hindi niya pa rin maiwasang isipin ang tungkol sa mga napag-usapan nila ni Mr. Raphael Mortiz.
Hindi dahil sa hindi niya maiwasang isipin ang tungkol sa mga iyon. Kung ‘di dahil sa paulit-ulit na pumapasok ang mga iyon sa isipan niya, lalo na ang kondisyon na ibigay sa kanya ni Raphael bago siya nito iwanang tulala at hindi makapaniwala.
Actually, hindi pa rin makapaniwala si Claudette sa lahat. From the moment that she met the aloof Raphael Mortiz, and the fact that her son was also the son of that man, to the fact that she needed to choose between marrying Raphael and remaining unmarried yet without her son.
At iyon na nga ang siyang nagpapaulit-ulit mula pa kanina sa isipan ni Claudette. According to Raphael, Claudette only had two choices: first, if she wanted to remain as the sole legal custodian of Claudio, then she and Raphael could only meet in the court. The second is that if Claudette marries Raphael, then both can have custody as the legal parents of Claudio.
Claudette knew that she had no power over Raphael if they brought the matter to court. Alam ni Claudette ang ilang batas tungkol sa pamilya kaya naman kahit pa gustuhin niyang ipaglaban ang kustodiya ng anak ay sigurado siyang sa huli ay siya rin ang matatalo.
Hindi rin naman siya natatakot na maubos ang lahat sa kanya pero sa huli ay baka sa tuwing weekdays o ilang araw sa isang linggo niya lang makakasama ang anak. What she cares more about than that is the well-being of her son if that really comes.
Alam niyang maaapektuhan ang anak niya kapag nangyari ang ganoon. Paano pa kapag ikinasal ang lalaki. Then her son would have a step-mother? Paano kung ang step-mother na mahahanap ng lalaki para sa anak ay katulad ng mga nabasa o napanood niya?
Doon pa lang ay pumalpak na siya bilang isang ina. Isipin pa lang niyang dahil lang sa maling desisyon niya ay masisira ang kinabukasang hinihiling niya para sa anak. Claudette couldn’t live peacefully knowing that her beloved son was in that position. Mas gugustuhin niya pang mawala lahat nang mayroon siya, tumakas at magpakalayo-layo kasama ng anak, kaysa ang hayaan ang anak sa kamay ng iba.
So that thought left her with one choice. And that is to marry. Kasal lang naman iyon. Just like Raphael had said, Claudette could just create a personal contract with rules and such. Sisiguraduhin na lang niya na sa kontratang gagawin niya ay hindi siya magiging kawawa kasama ng anak niya. And she will make sure that Raphael signs it no matter what.
“Mommy!”
Isang malawak na ngiti ang bumakas sa mga labi ni Claudette pagkalabas na pagkalabas niya ng kanyang sasakyan. Nakalimutan na niyang isara ang pinto ng kotse dahil nga sa agad siyang sinugod ng yakap ng anak na mukhang kanina pa siya inaabangang dumating.
“Did my baby miss mommy? Hmm?” malambing na tanong ni Claudette sa karga-kargang anak.
Mabilis na napatango si Claudio. “I was waiting for mommy. But I didn’t wait that long since I took an afternoon nap!” malakas na sagot ni Claudio.
Bakas sa mukha ng bata na naghihintay itong mapuri ng ina dahil sa ginawa. Malawak ang ngiti habang medyo nakataas ang noo. Halos kuminang pa ang mga mata niya habang nakatingin kay Claudette.
Natatawang ginamit ni Claudette ang libreng kamay para himasin ang ulo ng anak. “Wow naman. My baby is a good boy! Then what reward does the baby want?” pakikisabay ni Claudette sabay baba ulit ng anak.
Agad na humawak sa kamay ni Claudette si Claudio kaya magkapanabay silang naglakad papasok ng mansyon. Nakasunod sa kanila ang isang maid na siyang kumuha na ng mga gamit ni Claudette sa loob ng kotse.
“Please bring them to my office. Just put the bag above my table,” utos ni Claudette sa katulong na tahimik lang na tumango.
Hindi na nag-abala pang utusan ni Claudette ang katulong na siya ring tagapag-alaga ni Claudio dahil alam niyang ito na lang ang hindi pa nakakauwi dahil nga sa medyo nahuli na siya ng dating ngayon sa bahay. As much as Claudette wanted, there were only a few familiar people in her mansion.
Hindi dahil sa ayaw niya sa tao o introverted siya. Hindi lang siya ganoon mabilis magtiwala kaya naman mas gugustuhin niya na lang na mga kilala ang ang kasama nila ng anak sa bahay. Kaya rin siguro tuwing gabi o kaya naman kapag wala siyang pasok ay talagang silang dalawa lang ng anak ang tao sa bahay.
Kaya rin siguro kahit na lumaking may gintong kutsara ay hindi siya umasa sa iba. Talagang inaral niya ang lahat, mula sa pag-aalaga ng bata, pagluluto, at ultimo ang paglalaba ay alam niyang gawin. If not for being busy in the company, maybe aside from taking care of her son, baka siya na rin ang gumawa ng lahat ng gawaing bahay.
So thinking about the future where there would be more strangers living with her and her son if she finally agreed to marry Raphael, it became another thing to worry about. Claudio might find it easy to adopt, but her? Hindi sigurado si Claudette kung magawa niya ring mag-adjust kaagad.
to be continued...