“ABA’T KAY aga niyo namang mag-asawa gumising?” nakangiting tanong ni Manay Elma nang makita ang pagbaba nina Claudette at Raphael. Si Manay Elma ay ang asawa nang pumanaw na butler ni Mr. Miranda na si Manoy Tonyo. Siya rin ang ina ni Charles na siyang pumalit sa kanyang ama. Ampon nilang dalawa si Charles dahil katulad ni Mr. Miranda ay hindi rin sila nagkaroon ng anak. Pero kung tutuusin ay lola na siya ni Charles sa edad nila at dahil na rin sa katotohanan na dating kababata ni Mr. Miranda ang mag-asawang Tonyo at Elma. “Opo. Gusto po kasi naming tumulong at the same time, makita iyong process niyo sa paghahanda” magalang na sagot ni Claudette pagkababa nila sa hagdan. Napangiti naman nang malawak si Manay Elma sa narinig. Halatang natuwa ito sa pagiging magalang at masinop nang mag

