SUNOD-SUNOD at malalakas na ugong mula sa tambol ang maririnig. Iyon na ang senyales nang pagsisimula ng parada. Alas sais pa lang ng umaga ay nagsisimula nang magsipagpila ang mga kasali sa parada samantalang ang mga manonood naman ay nag-aabang sa kani-kanilang bahay. Pasadong alas sais na nang magsimula ang prusisyon. Sa unahan ay ang mga barangay officials kasama ng mga kilalang tao sa barangay sakay nang kani-kanilang karwahe hila-hila ng mga kabayo. Sumunod naman ay ang mga manggagawa sa barangay na nag-volunteer sa paghahanda sa bisperas at sa mismong piyesta kinabukasan. Hindi katulad ng mga opisyales ay naglalakad lang ang mga ito at kung may motor naman ay maaari nilang sakyan iyon. Doon pa lang sumunod ang mga bida sa parada kung saan ang mga kabayo na pagmamay-ari ng sinuman

