SA WAKAS ay nakatulog na rin si Claudio. Halos dalawang oras din nilang hinintay na makatulog ito dahil kahit pa nga napagod ito kalalaro kaninang hapon sa mga palarong pambata ay hindi agad naubusan ng energy si Claudio. Hindi tuloy magawang makaalis nina Claudette at Raphael lalo na nang imbitahan sila ni Mr. Miranda sa sayawan. Halos naikwento na ni Claudette ang lahat ng alam niyang kwentong pambata para lang makatulog si Claudio. Kung anu-ano na nga rin ang naikanta niyang pampatulog pero hindi pa rin tamaan ng antok ang anak. Sa huli ay napagpasyahan na lang nila ang mahiga sa kama at tabihan si Claudio at magkunwaring matutulog na rin para makatulog na ito. Naisip ni Raphael na alam siguro ng anak na aalis sila kapag nakatulog ito kaya naman kahit nakararamdam na ito ng antok ay h

