Isang sorry pa ang narinig ni Theron mula kay Blaze... King-ina lang talaga lakas mang trip ng mga kaibigan niya at ang ganda talaga ng timing . Akmang aamba na sana siya ng suntok ng bigla ulit bumukas ang pintuan. A gust of wind and light blew into the room like a sudden miracle. And there in the doorway stood a silhouette. Her. Cleng. Alive. Breathing. Her jacket billowed behind her like a cape. Her eyes are misty, and he can see the longing in them. "Ang ingay mo Damulag ko! wika nito. Tumigil ang mundo ni Theron. Nanlaki ang mga mata niya. Tumigil ang kamao sa ere. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makapaniwala. "C-Cleng...?" bulong niya. Tumango si Cleo, nangilid ang luha. "Oo, ako 'to. Hindi mo ba ako kilala, ha? Loko to. Ang OA mo parin umiyak." Napabuntong-hininga si

