CHAPTER 29 – ANG PLANO Tahimik ang gabi. Pero sa loob ng headquarters ng grupo nina Theron, parang may bagyong hindi matahimik sa mga utak nila. Lahat ng ilaw bukas, lahat ng devices naka-on, at ang buong war table ay punô ng printouts, digital maps, at half-finished coffee cups. Hindi pa rin sila nakakapahinga ng maayos simula nang masagip si Cleo mula sa kamay ng ina ni Theron—ang tinaguriang “Evil not real mother niya.” At ngayon iniisip parin nila na hindi pa rin sila ligtas. Kahit nakaligtas si Cleo, alam nilang hindi pa tapos ang laban. Lalo na’t nakatakas muli ang babaeng dapat sana’y nahuli na sa ambush operation. Hindi parin nila lubos maisip kung pano pa nito nagawang makatakas sa kabila ng lahat ng ginawa nila. May sa pusa and evil talaga. “Kailan ba matatapos ’to?” tanong

