30 – SA GITNA NG LABAN Tahimik ang gabi sa abandonadong gusali na pinili nilang lugar ng patibong. Ayon sa plano ng papa ni Cleo, doon siya magpapakita. Doon lilitaw ang ina ni Theron. At doon nila siya huhulihin. Sa loob ng command van, nagkukumpol ang Minion Girls—Jewel, Lina, at Reiyhan at Cleo—nakatutok sa mga screen habang iniinom ang kani-kanilang kape. Ayaw sana pumayag nila na sumama ang kanilang mga asawa dahil alam nilang delikado ang kanilang gagawin pero sadyang matitigas ang ulo at mapipilit ang mga ito kaya kahit labag sa loob nilang mag babuddies umo-o na lang sila. Mahirap na baka mag tantrums ang mga minions. Hirap pa naman suyuin ang mga ito. “Camera one, clear. Wala pang movement,” sabi ni Jewel habang pinapanood ang hallway ng gusali. “Pero may static sa cam thre

