Thalia's POV Limang buwan na ang nakalilipas ng pumunta kami dito at nanirahan sa pamilya ni Lucia. Sa umpisa ay medyo nahirapan ako mag-adjust lalo na sa klima pero ngayon ay masasabi kong mas naging komportable ako sa pamumuhay rito. Madami na akong nakilala at madalas ay may nakakausap akong mga pilipino. Dalawang buwan naman na ang nakakaraan noong umalis sila Lucia at Vladimir para balik sa Pilipinas. Pareho kasi silang may kailangan na ayusin at alam ko naman na nandoon ang buhay nila. Kung tutuusin ay hindi naman dapat nila ako kargo. Masyado na akong nakakaabala sa buhay nila at kailangan ko rin naman tumayo sa sarili kong mga paa. Naalala ko pa nga noon kung paano ako yakapin ng lolo at lola ni Lucia pagdating nila dito sa bahay nila. Sabi pa nga ng mga ito na huwag daw akong

