Thalia's POV Hating gabi na ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari ngayong araw. Para bang nahihirapan ang utak kong i-absorb lahat. "Nanay, why are you still awake po?" napatingin ako sa anak ko at nginitian ito. Hinaplos ko ang mukha niya at binigyan siya ng magaang hali sa noo. "Nothing, baby. Eh ikaw po, kulit, bakit nagising ka? It's already 11pm, continue your sleep." "Nanay, napaginipan me po my Tatay. But his face was blurred. Ang sure lang ko po, he's so handsome." bulol na kwento nito. Pupungas-pungas itong sumiksik sa akin at pinaglaruan ang mga daliri ko. Napatigil ako sa sinabi niya pero agad din akong nakabawi. "Do you really want to see your dad?" Niyakap ko siya palapit lalo sa akin. Inaantok na tumango siya at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

