Thalia's POV Nang nasa labas na kami ng restaurant ni Casia ay hindi pa din humuhupa ang kabog ng dibdib ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at napapikit ng mariin. "Nanay, are you kilig po? Tatay looks so handsome po kasi. You look so cute po together kasi both po kayo maganda ang gwapo like what Auntie Lucia told me." Napailing na lang ako sa pinagsasasabi ni Casia. Dapat ko na ata talagang ilayo kay Lucia ang anak ko. Kung ano-ano na lang ang natutununan. "Ikaw talaga ang kulit mo po ano? Pasalamat ka love ka ng nanay." kinurot ko siya sa ilong kaya napahagikgik siya. "Nanay, I also want to meet my kuya too. I bet he's handsome like Tatay po, right? I am pretty po kasi so I know po we have good genes." Natawa na talaga ako ng tuluyan sa kanya habang papasok kami sa t

