“HEY! ANONG nangyayari sa iyo? Nag-e-emote ka ba? May papikit-pikit ka pang nalalaman,ah! Iyan ba ang effect sa iyo ng Ulysses na iyon?” Napamulat ng mata si Penelope sa narinig sa kaibigan. Pati yata kaibigan niya nakakahalata na sa kanya. “Siguro dapat mo nanag malaman ang totong dahilan nang pagtira ko sa dorm.” Tumaas ang kilay ni Charlotte. “Bakit hindi ba ako ang dahilan nang pagtira mo sa dorm?” nagtatakang tanong nito. Umiling siya. Humugot siya ng malalim na hininga saka ikinuwento sa kaibigan ang nangyari sa kanila ni Achilles. “Gano’n iyon? Curious lang ako, ha? Ano bang itsura ng Achilles na iyan at hindi m

