NAPATINGIN si Ulysses sa kanya bago ito tumingin sa kamay niyang nakapatong sa dibdib nito. Oh, s**t! Ano bang nangyayari sa kanya? Ang balak lang niya ay pigilan si Ulysses sa plano nitong lumuhod sa harap niya ngunit paanong nangyari ang kamay niya’y nakahawak sa matipunong dibdib ng binata. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang buong mukha niya. Bigla niyang ibinaba ang kamay. “Pasensiya na. Nabigla lang kasi noong sabihin mong luluhod ka sa harap ko kaya pinigilan kita. Pero hindi ko sinasadyang hawakan ang dibdib mo,” nahihiyang sabi niya. Hindi na niya hinintay na magsalita pa ito. Bumalik na ulit siya sa pagkakaupo. “No problem, “ sabi nito at umupo na rin ito sa tabi niya. “Bas

