“HI, PENELOPE! Ang tagal na nating hindi nagkita. Kumusta ka na?” Nahinto si Penelope sa paghahanap ng libro nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Napilitan siyang lingunin ang pinanggalingan ng tinig. Nakangiti sa kanya si Ulysses habang nakasandal ito sa shelf ng mga libro. Biglang lumundag ang kanyang puso. Pakiramdam niya ay gustong kumawala nito sa loob ng kanyang katawan. Mahigit isang buwan na niyang hindi ito nakikita. Hindi na siya nanonood ng praktis nito at umiiwas na rin siyang dumaan sa oval tuwing uwian sa hapon. Alam niya kasing nandoon lang ito nagpapraktis kasama ang teammates nito sa College of Veterinary Medicine. “Hi,” alanganing sabi niya. Muli niyang

