“TATLONG taon? Natulog ako ng tatlong taon?” Pinandilatan ni Ulysses si Penelope. “Nagbibiro ka ba?” Umiling si Penelope. “Hindi, ah. Totoong nangyari iyon sa iyo. Naalala mo ba kung anong nangyari sa iyo bago ka nawalan ng malay?” Napakamot ng ulo si Ulysses. Napaisip ito ng malalim. “Ah, ang naalala ko ay may isang lalaki at babae na lumapit sa amin ni Achilles habang nag-aabang kami ng taxi. Iyong lalaki ang lumapit sa akin at pilit akong hinihila papunta sa isang SUV. Nanlaban ako pero masyado siyang malakas. Nanghina ako ng suntukin niya ako sa sikmura. Kaya naisakay niya ako sa SUV. Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari kasi bigla na lang nagdilim ang paningin ko. Paggising ko, hayun pinagpipiyestahan na ako ng mga kaibigan ko sa laboratory room. Di ko alam kung paano

