PAGKATAPOS nilang maihatid si Barbie sa bahay ni Lola Matilda ay umalis din agad sina Ulysses at Penelope. “Saan na tayo pupunta ngayon? Anong oras na?” usisa ni Ulysses kay Penelope. Nasa kalsada na silang dalawa. Napatingin si Penelope sa suot na relo. “Alas dos na,” wika niya. Madaling araw pa lang. Ang bilis nilang nakarating sa Santa Lucia dahil nag-teleport sila sa tulong ni Ulysses. Kung normal na biyahe ang ginawa nila, nasa sasakyan pa lang sana sila sa oras na iyon. “Saan tayo pupunta ngayon?” tanong ni Ulysses. Nakatitig ito sa kalsada na walang katao-tao bagaman maliwanag ang ilaw na nagmumula sa street lights. “Kailangan nating bumalik ng Manila. May trabaho ako mamayang alas dos ng hapon,” tugon niya. Gusto sana niyang dalawin sina Ydelle at ang Mama niya pero alanganin

