“SALAMAT sa Diyos at gising ka na,” Hindi na napigilan ni Penelope na yakapin si Ulysses. Bumuhos na ang luha niya habang yakap ang nobyo. Naramdaman niyang marahang hinahagod ni Ulysses ang likod niya. Ilang sandaling nasa ganoon silang posisyon. “Lovebirds, tama na muna iyan. Kailangan na nating umalis dito. Baka makita tayo ng guard na nagro-roving. Malintikan pa tayo.” Narinig nilang sabi ni Michael. Napilitang kumalas sa pagkakayakap kay Ulysses si Penelope. Nagsilapit na ang mga kaibigan ni Ulysses. “Hey, bro, kumusta na?” nakangiting bati ni Vincent. “Sa wakas, nagising ka na rin,” ani Allen. “Oras na para gumising. Kawawa naman si Miss Beautiful na naghihintay sa iyo,” tudyo naman ni Eugene. “Sanaol, may naghihintay,” tumatawang wika ni Wayne. “Oo nga. Sanaol,” sang-ayon na

